PINTURA 101 by Getsa
Lloyd Hondo
Pintura para sa custom figs!
kadalasan, ang unang tanong ng mga nagsisimula pa lang dito sa hobby natin ay:
"sir, ano pong klaseng pintura ang pwede ko gamitin?"
ang palagi kong sinasagot eh "acrylic paints"
naniniwala kasi ako na ang mga pintura ay parang gamot din sa botika yan.
meron branded, at meron generic whereas yung mga sikat na brand eh syempre may kamahalan ng onte kumpara sa mga hindi masyadong sikat.
bago tayo pumunta sa iba't ibang brand eh doon muna tayo sa paliwanag kung bakit ACRYLIC paints ang kadalasang gamit ng mga customizers at kung ano ang bumubuo sa ACRYLIC PAINTS.
ang acrylic paint ay binubuo ng dalawang importanteng ingredients:
una ay ang PIGMENT. ito ang nagbibigay ng kulay sa pintura
pangalawa ay ang BINDER/VEHICLE na nagdidillute sa pigment para maging liquid state ito at tumutulong upang kumapit ang pigment sa surface na pipinturahan mo.
ang acrylic paint ay WATER SOLUBLE.
ibig sabihin ay pwede kang gumamit ng TUBIG lamang upang i-dillute ito at palabnawin kung masyadong malapot.
oo, ito ay water solluble ngunit may kakayahan ito na maging WATERPROOF kapag tuyo na.
kaya wag mag alala. yung mga custom figures ko pag maalikabok na eh hinuhugasan ko sa gripo. wala naman nagiging problema.
NOTE:
maaari din na gumamit ng alcohol/acrylic thinner/lighter fluid upang ipang thin down sainyong acrylic paint.
ang epekto eh mas mabilis matutuyo ang pintura nyo at mas madali kayong makakapag second coating, third coating, and so on...
pero kung wala kayong pambili eh TUBIG lang solb na.
"sir, anong BRAND po ba ang dapat kong bilhin?"
tulad ng sabi ko kanina eh ang pintura eh parang gamot yan.
hindi importante ang brand. kahit generic eh mabisa pa din naman.
DISCLAIMER:
different brands of paint have different ratio of pigments and binders so different paints may behave differently than the othe brands.
"eh kanina sabi nyo hindi importante ang brand eh! sinungaling! sunugin yan sa plaza!"
oo, sinabi kong hindi importante ang brand dahil iba iba naman tayong mga customizers at maaaring ang "magandang brand" para sa akin eh hindi naman maganda para sa uri ng istilo nyo sa pagpipintura.
kumbaga eh kanya kanyang HIYANGAN din yan.
talakayin muna natin ang pinakapaborito kong SEMCO acrylic paints.
ang SEMCO acrylic paints ay hindi sikat na brand para sa mga customizers ngunit ito ang madalas kong bilhin dahil unang una eh
MURA (P15 lang dati isang bote sa national, ngayon ata P24 na).
pangalawa eh dahil sa STYLE ng bote nya.
malaki ang bote so sulit agad yung bente pesos mo.
yung takip din nya eh flip open na may maliit na butas kaya swak sa style ko na patak patak lang sa palette at di ko na kailangan idawdaw yung brush ko sa mismong loob ng bote, maiiwasan ko ang pagcontaminate ng buong laman nya dahil nga pwede ko syang ipatak patak na lang.
iwas kalat
iwas tapon
another TIPID factor na naman.
kahit matabig mo yung bote eh hindi tatapon yung laman.
cons:
mahirap pakapitin sa smooth surface. pero sulit na sulit ipang detalye at dry brush sa mga flat paints o rough surfaces.
ang finish nitong SEMCO ay SOBRANG FLEXIBLE. meaning kahit mapa kapal application mo eh hindi sya magc-crack.
lipat tayo sa TAMIYA ACRYLIC paints.
ang tamiya ang isa sa mga pinakamadaling hanapin na brand ng acrylic paints kaya isa din ito sa mga sikat na brand para sa mga hobbyists.
ang problema ko sa tamiya eh yung mismong bote nya.
pag natabig mo, tapon na agad ang laman. sayang pera.
ang hirap din nung padutdot dutdot ka pa ng brush sa loob ng bote.
nadudumihan tuloy yung laman. pag naman ibinuhos mo sa palette eh malaki ang chance na mapasobra ka ng buhos at magra rundown sa gilid ng bote yung paint. another sayang na naman.
sa mismong pintura naman tayo.
ang TAMIYA ay UBOD NG LAPOT. parang concentrated sya kaya kailangan mo muna sya i-thin down ng tubig para lumabnaw at maging manageable ipahid.
ang tamiya ay MATIGAS pag natuyo.
meaning, may tendency sya na mag crack o magbitak bitak pag makapal ang application mo o kaya eh pag ginamit mo ito sa parts na medyo flexible tulad ng mga hard rubber parts ng figures o kaya eh mga capes, buhok, etc.
ngunit dahil matigas nga sya ay matibay sya kung tama ang application mo at sa hard surfaces mo sya gagamitin.
P70 ata ang maliit na bote at P150 ang malaking bote nito.
punta naman tayo sa CITADEL (wow! sosyal!)
ang citadel ay isa sa mga magandang pintura na nasubukan kong gamitin. flexible sya pag natuyo at maganda ang coverage nya sa surface. madali kumapit at matibay pag natuyo.
ang problema ko dito eh yung presyo nya. (P120 - P150 kada maliit na botelya)
ang isang problema ko naman sa citadel eh yung takip ng bote nito.
flexible na flip top cap that won't stay open.
sumasara/tumitiklop ng kusa.
small gripe lang naman yun for a very good brand of paint na madali kumapit at maganda coverage.
ang isa pang maganda sa CITADEL eh UBOD NG DAMING COLOR CHOICES!
madami silang pre mixed colors na swak para sa mga tamad maghalo ng sariling kulay ng pintura.
pero kung masipag kayo mag halo ng kulay tulad ko eh bili na lang kayo nung mura tapos kayo na tumantya ng kulay na paghahaluin nyo. bili kayo nung basic colors tapos halo halo na lang pag may kailangan na specific color.
at diyan nagtatapos ang paliwanag ko tungkol sa tatlong brand ng pintura na MAAARI nyong gamitin para sa inyong mga custom projects.
TIP: kung may mga bote kayo na katulad nung semco o kaya ay may mga semco paint bottles kayo na wala nang laman eh dun nyo na lang ibuhos yung BRAND na gusto nyo para maganda yung lalagyan at iwas tapon/aksidenteng mabuhos.
PAINT BRUSH?
sa National Bookstore lang ako bumibili. yung malaking brotcha na pang dry brush eh P30 ata isa. ganun din halos presyo nung mga flat na smooth. yung mas maliit eh P25. yung mga pino na ubod ng nipis na pang detalye eh P14 - P25.
kanya kanyang halukay na lang sa paint brush isle ng national bookstore.
P.S.:
hindi lamang yang tatlong brand na yan ang available sa merkado. madami pang iba tulad ng mr.hobby, vallejo, mr. color, aquaeous, etc...
nagkataon lnag na yan yung mga nasa toolbox ko ngayon.
fell free to add up kung ano mga experience nyo tungkol sa mga paints na nagamit nyo na para may basehan din yung mga gustong sumubok.
Salamat!
Facebook Link
pwede ba ang acrylic paint sa sapatos?
ReplyDeletehello tanong lang po aku.kung anu po ang mga kakailanganin sapag pipintura ng isang sasakyan.
ReplyDelete