MAGNET for Customs
Lloyd Hondo
Ito po ay tips at ideas kung papano nyo gagamitin ang magnets para ma-improve ang inyong mga custom made figures.
(salamat sir Keijay Trinidad sa pagbrought up nitong topic na to)
unang una eh ano nga bang klase ng magnet ang magandang gamitin para sa customs nyo?
ang pinakamabisa ay ang neodymium o rare earth magnets dahil sa napakalakas ng hatak nila at available din sa maliliit na sizes na pwedeng pwede nyo ipasak sa mga parts ng action figures nyo.
(ito yung mga maliliit na kulay silver na makintab)
pwede din naman kayong gumamit nung maliliit na black magnets na ordinary ngunit syempre, mas malakas talaga yung mga kulay silver.
Meron din mga magnetic sheets sa National Bookstore, medyo mahina pero pwede na kung magagaan na parts lang naman ang gusto nyo pagdikitin. meron din nabibili doon na MAGNETIC TAPES na pwedeng pwede nyo gamitin sa mga removable accessories o armor plates ng mga custom figs nyo.
TANONG:
saan nabibili ang neodymium/rare earth magnets?
meron mga online sellers na nagbebenta sa sulit/olx.ph
(search nyo na lang pati presyo)
Pwede din kayo maghanap sa national bookstore ng mga bulletin board magnets at tanggalin nyo na lang yung nakadikit na plastic para makuha nyo yung mga neodymium magnets.
Usually eh P60 apat na piraso ang laman. (see one of the photos in this album. yung may nakalagay na "strong magnet") meron din yung mga BAKUGAN na isang neodymium magnets. so kung may makita kayong mga japeyks na bakugan toys sa bangketa at mura, bilhin nyo na (yung mga japeyks P10 each lang) at gaya din ng post ni sir keijay ay meron din neodymium magnets ang mga earphones. so kung may sira kayong earphones eh baklasin nyo na.
May mga mumurahing earphones din na nabibili sa bangketa (P20 each)
so ayan. kayo na bahala pano nyo gusto gamitin ang mga magnets na yan. ikabit nyo sa paa at pwet ni spidey para pwede sya dumikit sa ref, ikabit nyo sa likod ng figs para sa removable wings,
pwede din gamitin as JOINTS para sa removable arms, legs, swappable heads at kung ano ano pang removable body parts at accessories.
sabi nga sa commercial.
"IMAGINATION MO ANG LIMIT!"
Credit To Lloyd Hondo
0 comments:
Post a Comment