Monday, December 1, 2014

SCULPTING COMPOUND for Custom Figs


credit to  Lloyd Hondo 


Ito ay ilan lamang sa mga bagay na maaari nyong gamitin sa pagssculpt ng detalye sa inyong mga laruan.
Ito yung mga madalas din gamitin ng ibang mga customizers at madaling makita sa mga suking hardware stores sa mga kanto o sa mga sikat shopping mall

NOTE:
hindi po ako ahente o affiliated sa kahit na anong paraan sa mga brand at produkto na yan. nagkataon lamang po na yan ang mga nasubukan ko nang gamitin at yan din ang nirerekomenda ng iba pa nating kapatid sa pag-gawa ng laruan.
maaari po kayong sumubok ng ibang brand ng mga nasabing epoxy/sealant.

WATERSTOP SEALANT:


-kumuha ng parehong dami at paghaluin ang part A at part B hanggang maging iisang kulay na lang ito.
-basain ng tubig ang inyong kamay pati na ang pagpapatungan/paghahaluan nyo ng compound na ito.
yung tubig ang tutulong para hindi dumikit sa kamay mo yung waterstop.
pati tools mo na pang sculpt eh kailangan mo din basain ng tubig para maayos mong maikorte yung compound sa shape na gusto mo.
-hintayin ng ilang minuto (5-10 minutes) bago magsimula magsculpt para hindi masyadong malagkit/madikit at hindi ka mahirapan i-handle ngunit kung ang gusto mo naman ay mag-"blend" yung waterstop sa mismong parts na pagsasapawan mo eh mas maganda na habang malagkit na malagkit pa yung compound at bagong halo pa lang eh isapaw mo na agad sa parte ng figure mo para hapit na hapit sya. pag natuyo eh para syang magiging isang solid piece kasama nung parte ng figure mo. seamless kumbaga. hindi halata yung pinagdugtungan. (syempre kelangan mo din mag-liha para maging mas maayos yung dugtong na ginawa mo at pumantay yung surface ng sculpt at original plastic parts.
kung balak mo naman na gumawa at maghugis lang muna ng mga basic shapes na naka angat eh mas mabuti na hintayin mo muna na kumunat yung compound bago mo simulan magsculpt (para hindi dikit ng dikit sa kamay o sculpting tools mo)
pagkatapos paghaluin ang part A at part B ng waterstop ay mayroon kang humigit kumulang 30 minutes - 45 minutes na working/sculpting time pagkatapos nung oras na yun ay masyado nang magiging makunat yung waterstop at mahihirapan ka na i-sculpt ito (although minsan eh mas madali nga magsculpt pag sobrang kunat na nung compound)ang drying/curing time naman nito ay halos nasa 3-4 hours (minsan pagkatapos ko i-sculpt eh tsaka ako matutulog, pag gising ko tsaka ko pipinturahan o kaya tsaka ko sasapawan ng panibagong sculpt para siguradong solid na solid na sya.
siguraduhin din na part by part/batch by batch kayo magssculpt at kumuha ng kaunting piraso lamang ng part A at part B. mas madali magdagdag kesa masayang dahil napadami pala ang paghahalo nyo tapos itatapon na lang.


ALL PURPOSE EPOXY:


-ang haba ng paliwanag ko sa waterstop, parang ganun din ang gagawin nyo dito, maliban na lang sa imbes na TUBIG ang gagamitin nyo para wag dumikit sa kamay nyo habang nag-sculpt eh PULBOS/BABY POWDER/GAWGAW naman ang dapat gamitin.
-lagyan lang ng pulbos ang kamay at sculpting tools para wag dumikit.
-isa pang kaibahan ng all purpose epoxy eh mas mabilis ito matuyo/tumigas.
Working time = 5-15 minutes
Drying curing time = 1-3 hours (depende sa kapal) mga 4 hours solid na solid na yan. parang bato/hard plastic na.

Mas nagustuhan ko yung all purpose epoxy dahil mas mura (P80 sa hardware compared sa waterstop na P250 ata yung maliit na tub) tsaka mas mabilis matuyo.
mainipin kasi ako kaya mas gusto ko na mabilis matuyo at part by part yung sculpting ko.
pareho silang (waterrstop at all purpose epoxy) na sandable. meaning. pwede nyo i-papel de liha pagnatuyo para linisin yung surface, pakinisin, i-carve.
ang isang problema lang na naeeexperience ko sa dalawa na yan eh yung pag-"alsa".
medyo umaalsa yung sculpt mo pag natutuyo na. meaniung, maaaring mag iba ng kaunti at lumobo mawala yung mga ubod ng liit na detalye na inisculpt mo kaya pagkatapos mo magsculpt eh kailangan mo pa din mag-liha para ayusin yung pag-alsa pero konting konti lang naman.
(mas halata yung pag alsa sa all purpose epoxy kesa sa waterstop na very minimal lang)
dito ngayon papasok yung EPOXYCLAY variants

NOTE:
pagkatapos paghaluin ang part A at part B ng epoxy mixture ay hayaan muna ito ng mga kalahating oras o higit pa para maging MAKUNAT muna ang mixture nang sa gayon ay mas manageable ito i-sculpt at hindi na masyadong malagkit.
pag bagong halo kasi eh masyado syang malambot at madikit at mahirap sya contolin i-sculpt

EPOXY CLAY:


parang ganun din. 2 part compound sya pero imbes na nakalagay ang part A at part B sa magkahiwalay na lalagyan eh magkasapaw na sila na parang hotdog sandwich. (part A nasa loob, part B nakabalot sa part A)
pipingas ka lang ng kaunti sa cylindrical shaped compound at paghahaluin mo ng kamay hanggang maging uniform ang kulay nya tapos ready ka na magsculpt.

at dahil nga hindi ito masyadong umaalsa eh mas maganda ito gamitin pang sculpt ng maliliit na detalye tulad ng mata, tenga, bibig, mukha etc whereas yung waterstop at all purpose epoxy naman eh maganda gamitin sa mga basic shapes and large areas o musculatures.
Ubod ng bilis lang nga tumigas nitong epoxy clay kaya kailangan mabilis kayo magsculpt.
Epoxyclay aqua at wood pa lang nagamit ko. parang pareho din naman. yung STEEL daw nagiging sing tigas ng bakal pag natuyo. sobrang tigas at sobrang tibay DAW.

Working time = 5-10 minutes
Curing time = 1-3 hours (pero paabutin nyo kahit mga 5 hours para sigurado kayong solid na solid na sya.

EPOXYCLAY = P100 - P120 bawat maliit na piraso.
at tulad ng waterstop eh pwedeng tubig din lang ang gamitin nyo para wag dumikit masyado sa kamay nyo at sa sculpting tools.
pwede din naman pulbos.
Ito po ay batay lamang sa aking experience at maaaring naiiba kumpara sa ibang customizers.
(lalo na yung mga working time at curing time ng bawat compound)
kung may correction po or additional info kayo ay maaari nyo din po i-PM o derechong i-comment dito sa album na ito para din po mabasa din ng ating mga members na interesado din magsimula sa basic sculpting


SCULPTING TOOLS:
-cutter
-popsicle sticks
-coffee stirrer
-paint brush handle
-toothpick
-posporo
-maliit na kutsilyo
-kahit na anong flat o matulis na bagay
  • hindi mo na kelangan gumastos ng malaki.
  • kaya ka nga gagawa ng laruan dahil wala ka pambili nung gusto mo eh.
  • matutong maging madiskarte.
  • humanap ng alternatibo sa mga mamahaling bagay.
  • kadalasan yan eh may mga pwede ka magamit na kahalili na makikita mo sa bahay nyo.
VIDEO TUTORIAL:


WAG MATAKOT MAG EKSPERIMENTO!
PS: hindi ko tinalakay yung polymer clays/oven baked clays dahil hindi pa ako nakakagamit nun.
PS uli: hindi po pwede gamitin yung clay ng mga bata o play doh. hindi po yun tumitigas.
Well, gumamit ako ng clay ng bata sa akuma bust sculpture ko dati. pwede din naman. yun nga lang. habambuhay na hindi pwedeng hawakan yung sculpture nyo at dapat nakalagay sa glass o acrylic enclosure.
Pasensya na po at mahaba pero sana ay pagtiyagaan na basahin ito lalo na ng mga interesadong matuto magsculpt lalo na sa mga nagsisimula pa lang at gustong sumabak sa mundo ng action figure customizing.

1 comment:

  1. Good pm! Gumawa ako ng sculpture using waterstop. Balak ko siyang idikit sa wood base, ano ang pwede kong gamitin para pandikit? Ang water stop ba ay dumidikit sa kahoy? Salamat!

    ReplyDelete